摘要:Taong 1974 nang matunghayan sa tanghalan ang pahayag ng mga bakla ukol sa kanilang buhay. Umalingawngaw sa mga manonood ang hinaing at pangarap na kipkip ng Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat ni Orlando Nadres,lalo pa’t nakaliligalig ang mga salitang binitawan ng tauhang si Fidel: Ako ay ganito,kaya hanggang dito na lamang at maraming salamat. Kay Julie ko lamang inamin ang tunay kong pagkatao. Dahil hirap na hirap na ako. Wala akong makausap tungkol dito. Walang makakaunawa tungkol sa bagay na ito kundi ang katulad namin ni Julie….Kami-kami lang. Mga lihim na paguusap. Mga pabulong at panakaw na pagtatapatan. Talagang hindi ko ito ipagtatapat sa iyo pero…nangyari na…biglangbigla,natanggal ang aking maskara… alam kong iiwasan mo na ako. At ngayo’y magpapaalam ka na sa akin.