摘要:Ang Tawag ng Bantula ay malaki ang nagawa para makilala natin ang kawayan bilang isang buhay at ginintuang likha ng kalikasan. Humanga tayo sa kanyang napakaraming gamit tulad ng puno ng niyog. Naipakita sa atin ang kanyang tibay at lakas,tulad ng asero at semento. Naituro din sa atin kung paanong pumutol ng kawayan na hindi napipinsala ang inang tanim. At naipaliwanag kung kailan dapat umani ng kawayan upang makuha ito ng buong lusog at katatagan,wika nga ay dapat na taga sa panahon. Kung hindi ay madali itong bubukbukin at mabubulok.